Nagsuntukan ang dalawang kilalang personalidad ang mag asawang Raymart at Claudine Santiago laban kay Philippine Daily Inquirer columnist Ramon Tulfo. Ito ay nangyari sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 Linggo ng tanghali May 6, 2012
Nagsimula ang gulo nang nag complain sina Claudine sa management ng Cebu Pacific na nawawala raw ang isa nilang laguage na may laman na mga gamot para sa kanilang anak.
Nang nakita ni Ramon Tulfo ang pangyayari between Claudine and Cebu Pacific flight attendant kinunan nya ito ng footage. Pinigilan ni Raymart si Tulfo na wag kunan, bigla raw sinuntok ni Ramon Tulfo si Raymart at tinadyakan pa raw ni Mon si Claudine.
Sa baba po ang video sa aktual na pangyayari
Kung si Ramon Tulfo naman ang tatanungin, ang mag asawa raw ang unang nanakit kaya gumanti lang daw siya. Sino ba talaga kuya? Lol..
Ayon kay Claudine dahil sa pangyayari natraumatized daw ang kanyang dalawang anak sina Sabina, 7 at Santino, 4.
Sa ngayon parehong nagsampa ng demanda ang magkabilang grupo. Aabangan lang po natin ang resulta ng imbestigasyon kung sino ang may kasalanan. Hehehe... Hay naku!
Kasabihan: "Kung babatuhin ka ng SAPAK gantihan mo ng TADYAK"
Magandang araw mga kakabayan....
No comments:
Post a Comment