Thursday
Adik Sa Dota
Pag-aaral ko'y aking kinalimutan nang tuluyan,
Halos isang beses lang sa isang linggo pumunta sa paaralan.
Hihingi ng perang pambaon sa mga magulang,
Pambili daw ng project para sa final exam sabi ni mam.
Kahit si nanay at tatay nagkandakuba sa kakatrabaho,
Matustusan lamang ang mga hinihingi at pag-aaral ko.
Habang akoy besing besi sa barkada, lakwatsa at paglalaro,
Sila naman abalang abala para sa akin sa magandang plano.
Wala silang kaalam-alam sa aking masamang ginagawa,
Gigising, maliligo, kakain, magbibihis ng uniform at hihingi ng pera.
Akala ng aking mga magulang sa eskwela ang aking punta
Ngunit sasabay ng mga kaibigan sa internet cafe at magdoDOTA.
Araw't gabi galit si mama, isa raw akong anak na walang kwenta.
Buti pa daw yung ibang mga bata sa mga magulang tumutulong sila.
Lahat ng sermon ni inay aking binaliwala at pinalampas sa tenga,
Sabi sa sarili "sige nanay mag ingay ka dyan hanggang mag-umaga.
Sorry po nanay sorry po tatay simula ngayon ako po'y mag babago na,
Pangako aking mga magulang titigilan ko na ang pagdoDOTA.
Pero payagan pa rin ninyo ako mag net tuwing sabado ha?
Para i-update aking facebook account at Plant versus Zombie na lang ang birada.
hahahaha
Nilalaman
Dota
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment