Thursday

Love Drive Sa Araw Ng Mga Puso

Hello mga kababayan, magandang araw po sa lahat. Ako po'y inyong abang lingkod si Juan ang PinakaPOGING tao sa balat ng mga pangit! Ahehe

Sabi kasi nang nanay " Juan habang ika'y nabubuhay ipagmalaki mo ang mukha mo na pinaglihi ko sa pwet ng kalabaw. Isipin mo na lang lagi na gwapo ka, kahit na di totoo." Sabi ko naman kay nanay " Nay, pangit man ako at dukha sa tingin pero nakakabuntis din" Naks!

Naku, next month February na, ibig sabihin masaya na naman mga may ari ng Hotels at Motels kasi araw na ng mga puso. Dami na namang matutuhog na pwet ng manok. hehehe
Pati mga pharmacies nagiging busy din pag Valentine's Day alam nyo ba kung bakit? mabili kasi ang mga panangga ni Wonderwoman" TRUST ME BABY".



Baka sa Valentine's Day papahinga ko muna si kaibigang Jeepney, para maiba naman Taxi muna gagamitin ko. Marami kasi nag papahatid sa mga bahay kantutan este bahay pahingaan para doon mag celebrate sa araw ng mga putok este puso. Ang iba siguro dyan may mga discount card na, yung kaibigang kong foreigner si Thor Jack may discount card lagi yan tuwing Valentines day.


Alam nyo ba kung anong favorite food ng mga girls pag Valentine's Day? Naku sama ng iniisip nyo! Di, yan Mali yan! CAKE ang favorite nila, sa mga drinks naman Red Wine with matching "Tender Juicy" galing sa pure foods. Sa mga gift naman wala na yang mga fresh roses, iba na sila ngayon Chupa chupa na ang gusto. Hindi mali yang iniisip nyo eh! Chupa Chupa yung pangalan nung malaking Lolly Pop na mabibili ngayon sa convenience store. kayo talaga oh.

Sa mga lalake isa lang favorite pag Valentine's Day, isang long neck na Tanduay tapos may pulutan na kinilaw na tahong. Lalo na yung kompare kong intsik si Canto Tan naku favorite na favorite nya yung kinilaw na tahong twing Valentine's Day. Yun sumakabilang buhay na, tigok ang matakaw sa tahong! na RED TIDE. Di kasi nag iingat, mataas kasi reaction ng red tide sa tahong pag Valentine's Day. Ewan ko kung bakit. ahehe

Dagdag problema na naman sa bansa pagkatapos ng Valentine's Day, lulubo na naman population natin. Samantala masaya na naman simbahan dami kasi mag papabinyag. hahaha. Alam nyo ba sinong malulungkot? Yung mga kukuning ninong at ninang. hahaha gagastos na naman pang regalo. Hay naku ganun talaga buhaybuhay.

Sige gagarahe na si Juan, maraming salamat sa pakikisakay sa aking jeepney. Hanggan sa susunod na biyahe. Sana naging maganda mga araw nyo dyan. Pag palain sana tayo ng POON.

Kasabihan:
"Ang taong masaya laging nakatawa, ang laging nakatawa kahit mag isa sigurado baliw na sya" hahahahahahahahaahaha

No comments:

Post a Comment